Saturday, October 2, 2010

Love letter ni Lord

i'm calling you by the name that gives you comfort and warmth.

maddie,
alam mo ba na mahal na mahal kita?
nagawa kong ibuwis ang buhay ko para lang sayo.
hindi ako nagsisisi na minamahal kita ng sobra dahil sa napakabuti mong kalooban.
hindi mo ba nakikita na sadyang napaka ganda mong dalaga? :)
may nagpapabigat ba ng loob mo ngayon?
sana ay wala dahil nasasaktan din ako pag nakikita kitang nasasaktan.
gustong gusto kita yakapin at sabihin sayong, "maddie, you are beautiful, loved and worthy"
pero kung meron mang bumabagabag sa iyo ngayon, nais ko lang malaman mo na you deserve the best of everything. mahal na mahal kita. wala akong ibang hangad kundi ang kaligayahan ng iyong puso.
wag kang mag-alala, andito lang ako para sayo, isa ka sa mga magagandang nangyari sa buhay ko.
hinding hindi kita iiwan at pababayaan.

Maddie, maraming tao ang napapasaya mo sa bawat ngiti mo.
may mga panahong sadyang mahirap para sayo ang ngumiti pero isipin mo lang palagi na andito lang ako at nagpadala ako ng napaka raming tao na nagmamahal sayo ng totoo para ipadama sayo na kaya mo ang lahat ng bagay at ikaw ay karapat dapat mahalin ng tama.
ipagpatuloy mo lang ang pagiging isang mabuting tao.
proud na proud ako sayo!

nagmamahal,

Lord, Jesus Christ. :)

No comments:

Post a Comment