sa mundong ito, bawal ang naggive up at nagpapatalo.
kung nagpapatalo ka na lang palagi, well good luck.
tignan na lang natin kung saan ka pupulutin!
oo minsan nagkakamali ka, nadadapa. pero ganun talaga!
ganun ang buhay.
TRIALS ARE THERE TO MAKE US WINNERS!
wag kang habambuhay na lang nakadapa kasi natalo ka at napagtawanan ka at napahiya ka.
take that as a challenge.
o sige, umiyak ka. pero dapat sa umpisa lang yun.
pagkatapos mo magdrama, action naman!
bumawi ka ng bonggang bongga!
labanan ang kahinaan!
gumanti kung maaari, ganti sa sarili mo. dahil alam mong kaya mo! at hindi ka dapat pinagtatawanan!
sa laban naman kasi ng buhay, sarili mo lang talaga ang sagabal sa mga plano mo at pangarap mo eh.
kung palagi ka na lang nahihiya. kung palagi ka na lang si "next time na lang", good luck naman sayo!
nasasanay kasi tayo minsan sa comfort zone natin.
try lang natin minsan tumapak sa courage zone.. mas masaya! mas fulfilling! PROMISE!
dati mahiyain ako sobra.. walang tiwala sa sarili.
pero nasampal ako, ng isang taong di ko talaga makalimutan.
nagawa niya kong ipahiya sa harap ng mga kaklase ko noon.
sobrang iyak ko noon, parang ang sarap tumakbo at iwan ang mundo.
pero narealize ko. "teka, grabe naman siya. gaganti ako. i'll prove her wrong!"
at ayun, sa bandang huli. pinuri nya din ako.
ganun talaga buhay e :)
sarili lang ang kalaban!
para saan pa't binigay satin ni Lord ang lahat kung magpapatalo ka lang :)
He wants us to go reach our dreams! :)
and besides, He wont leave us!
God is within us and around us! :)
just go claim your victory!
it is 1% your work and 99% God's work :)


No comments:
Post a Comment